Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na sampung araw na lang ang nalalabi para makapagparehistro, dahil ang voters’ registration ay hanggang sa Setyembre 29 na lang.

“Voters’ Registration ends in (10) days. Being a registered voter means you’re in a position to help bring about actual change,” tweet ni Comelec Spokesman James Jimenez. “(10) days left to sign-up for the corps of responsible citizens who will bring change to country.”

Una nang nagpaalala ang National Citizens Movement for Free Elections (Namfrel) hinggil sa deadline ng pagpaparehistro.

Maaaring magparehitro ang mga 18-anyos pataas, isang taon nang naninirahan sa bansa, at mahigit anim na buwan nang residente sa lungsod o bayan bago ang halalan sa Mayo 13, 2019.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

-Leslie Ann G. Aquino