BUNSOD nang kalamidad na idinulot ng bagyong ‘Ompong’, napagdesisyunan ng organizers ng PTT Run for Clean Energy Year 2 na iurong sa Sabao (Sept. 22) ang charity run sa Cultural Center of the Philippines Grounds.

Matapos malubog sa baha at basura ang malaking bahagi ng CCP grounds at kalapit na Manila Baywalk area, binigyan pansin ng organizers ang kaligtasan at seguridad ng mga kalahok.

“We would have continued with it, rain or shine, but the route was quite dangerous for participants,” pahayag ni Subterranean Ideas project manager Matt Ardina.

Gustuhin man, ayon kay Ardina, wala nang availabne na iskedyul para sa Linggo kung kaya’t napagdesisyunan na sa sabado na ito isagawa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bukas pa ang pagpapatala hanggang Sept. 20 sa Chris Sports Outlets at SM Manila, SM Mall of Asia at SM North EDSA. Puwede rin ang onsite registration isang oras bago ang patakbo. Sa mga interesadong lumahok, makipag-ugnayan sa 09186002411 (Smart), 09953248315 (Globe) at landline 9759584.

Ang patakbo ay itinataguyod ng PTT Lubricants, Cafe Amazon, Wish 107.5, Chris Sports, Milcu, Leslie’s Corp., ChloRelief, Lubie, Coca-Cola, La Filipina, Emilio Aguinaldo College, Maynilad, Herbalife, Vegemore, Science in Sport, Medicard Foundation, Ripples Daily, Gold Seas, Maynilad, Business Mirror and Business Mirror Health and Fitness Magazine, Village Connect, Philippine School of Business Administration, Mariano Marcos High School Batch ‘91 at St. Dominic College.

Nakalaan ang smartphones, home camera, headphones, bluetooth speakers, watches at iba pang sopresang regalo sa raffle na isasagawa matapos ang karera.

Bibigyan din ng kasiyahan ang mga kalahok ng mini concert na pangungunahan ng Cahlio band at up-and-coming Dotty Chan at Yela.

Ang bahagi ng kikitan sa karera ay ipagkakaloob sa environmental program ng PTT Philippines Foundation, na nakatuon sa mga proyekto tulad ng Sibol, Re-Greening the Marikina Watershed, Gas Up for a Tree at Bakajuan.

Ang race categories ay 10k (P520), 5k (P420) at 3k (P320), na may kasamang race shirt, race bib at giveaways. Tatanggap ng premyo at medalya ang mangungunang tatlong runners sa bawat kategorya.