ISA sa maiinit na love teams ngayon ang LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil. Pinag-uusapan ang mga pinagbibidahan nilang teleserye, habang humahataw naman sa takilya ang kanilang mga pelikula.

Enrique at Liza copy

Nang mag-guest sa talk show ni Vice Ganda kamakailan ay natanong si Liza kung sila na ba talaga ni Enrique off camera.“Kami na nga pero it is unofficial, dahil wala pang blessing ng aking Lola at mga kaanak ang aming relasyon. Ito na lang po ang kulang para maging official,” nakangiting sagot ng ubod ng gandang si Liza.

Tanong ni Vice: Nahalikan na ba siya sa lips?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kuwento ni Liza, it happened by accident at she was caught offguard. Hindi raw sinasadya ang nangyari, dahil hindi naman daw ‘yun kasama sa kinukunang eksena.“Aksidente lang pong talaga,” sabi ni Liza, na hindi pinangalanan ang mapalad na lalaki.

Sa pagtatapos ng “Guilty or Not Guilty” segment sa show ni Vice ay kinumusta ng huli ang forthcoming movie ni Liza na Darna.

“Im so honored na mapiling gumanap sa modern version ng Darna. Excited na akong mapanood ito. Masyado itong mahirap dahil kinailangan kong mag-training ng iba’t ibang uri ng martial arts,” sabi ni Liza.

Ang tanong, kailan ba talaga lilipad si Darna sa pelikula?

-REMY UMEREZ