SOBRANG intriguing ang tweet ni Janella Salvador, na nasabay pa sa mga litrato niyang naka-post sa Instagram Story ng kaibigang si Julia Barretto.

Janella

“I think everyone deserves someone who does not hurt them regardless if they’re drunk or not. Men who are raised properly are never supposed to hurt women no matter what,” tweet ni Janella.

Para sa sarili niya ang tweet ni Janella, at siya ang tinutukoy niyang sinaktan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa series of photos kasi ni Janella na kuha ni Julia at posted sa IG Story ng huli, makikitang nakatalikod si Janella at kitang-kita ang pasa sa likod ng kanyang kanang braso.

Apat na pare-parehong litrato ni Janella na nakatalikod habang nagluluto sa kitchen ang naka-post sa IG Story ni Julia. Ang last picture, naka-zoom in ang likod ng kanang braso ni Janella na kitang-kita ang pangingitim.

Makikita sa mga marka sa braso ni Janella na hinawakan siya nang madiin, kaya nagmarka iyon sa kanyang balat.

Ang dating sa amin ng pictures, may nag-sleepover sa isa kina Janella at Julia at nagkakuwentuhan ang magkaibigan. Nagluto si Janella para sa kanila, at doon na siya kinuhanan ng litrato ni Julia.

Anyway, walang binanggit na pangalan si Janella sa kanyang tweet, o kung sino ang humawak nang madiin sa kanyang braso. Bahala na sigurong mag-isip ang mga nakabasa kung sino ang lalaking tinukoy ni Janella na nanakit sa kanya.

-NITZ MIRALLES