SA Friday, September 21, na ang second major concert ni Alden Richards, ang Alden Adrenaline Rush sa Kia Theatre.

Alden copy

Kaya naman nagtatanong na ang mga well-meaning fans ng Pambansang Bae kung hindi pa raw ba pagpapahingahin muna si Alden sa taping ng kanyang action-drama-fantasy series na Victor Magtanggol.

Sunud-sunod kasi ang taping ng serye three times a week, na madalas ay inaabot ng early morning of the next day. Tulad noong Friday, September 14, na announced na ang pagpasok ng super typhoon ‘Ompong’ sa Northern Luzon kinabukasan, pero may taping pa rin sina Alden sa Boso-Boso in Antipolo City.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Inabutan sila ng malakas na ulan, at 4:30 am ng Saturday na sila nag-pack-up ng taping. Kaya ilang oras lang nakatulog si Alden, dahil tumuloy na siya sa Broadway Studio para sa Eat Bulaga.

Pero sabi nga, wala namang reklamo si Alden dahil work niya iyon, at nakaka-inspire sa kanya na muli niyang makakasama ang mga fans niya sa concert. Ini-release na rin ng GMA Records ang official teaser niya na napapanood na sa mga programa ng Kapuso network.

Kaya naman kapag nakapagpahinga na siya after ng taping, hinaharap naman niya ang pagbi-VTR ng mga gagamitin niya sa concert, dance rehearsal, at voice rehearsals.

Special guests ni Alden sa Alden Adrenaline Rush sina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas, Rodjun Cruz, Betong Sumaya, One Up, Ex-Battalion at may mga surprise guests pa siya.

Ang #AAR ay produced ng GMA Network at GMA Records, and sponsored by McDonald’s Philippines, Magnolia Ice Cream, Cebuana Lhullier, Daily Motion and Barangay LS 97.1.

Kasabay na ire-release na rin ng GMA Records ang third album ni Alden na Until I See You Again, na nagkaroon na ng pre-selling ng limited edition nito last September 7 for both digital and physical copies sa iTunes

-NORA V. CALDERON