PINASOK na nga ng actress-singer na si Maris Racal ang recording sa kanyang pinakahihintay na debut album, ang Stellar sa ilalim ng Star Music sub-label na Star POP, at susundan naman ito ng paglulunsad ng kanyang Love Is Easy music video, na mapapanood simula sa Miyerkules (Setyembre 19).

Maris

Isa lamang ang Love Is Easy sa limang tracks na nakapaloob sa solo album ni Maris na produced ni Rox Santos. Tampok din sa nasabing pop album, hindi lang ang kanyang magandang boses, kundi pati na rin ang kanyang galing sa pagsusulat ng awitin.

Sa kanyang blog conference, ibinahagi ni Maris ang kanyang inspirasyon sa paglikha ng kanta.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Love is meant to be celebrated, kahit ano pang aspeto, gender, o paniniwala. Love is free, and love is for everyone,” sabi ni Maris.

Bahagi ng Stellar album ang apat sa kanyang mga orihinal na komposisyon, ang Tala, Ikaw Lang Sapat Na, Tayo Na ‘Di Tayo, at Love Is Easy.

Kabilang din sa album ang kantang Hi Crush na handog ng singer-songwriter sa kabataang umiibig.

Unang napanood sa Pinoy Big Brother: All In bilang ang “Singing Sunshine ng Davao”, si Maris ay itinanghal na Second Big Placer. Dito siya nakilala na marunong maggitara at magaling umawit.

Nagwagi rin si Maris bilang Best New Artist Of The Year sa MOR Pinoy Music Awards 2018 kamakailan.

Puwede nang i-download ng Stellar album at abangan ang Love Is Easy music video launch ni Maris sa MYX at sa YouTube channel ng Star Music.