INALAT ang pinoy boxers sa kampanya sa abroad nang mabigo ang limang fighers sa pangunguna ni John Vincent Moralde na natalo sa USBA super featherweight title bout kay American Olympian Jamel Herring nitong Setyembre 14 sa Save More Arena, Fresno, California sa United States.

Bagama’t nakipagsabayan kay Herring si Moralde, nagwagi ang Amerikano sa iskor ng mga kababayang hurado na sina Daniel Sandoval, Chris Migliore at Fernando Villareal pawang sa iskor na 100-90 kaya walang nakuhang kahit isang round ang Pinoy boxer.

Sa Zhengzhou, China, natalo sa 10-round unanimous decision din si Filipino Eranio Semillano sa walang talong Chinese na si Yelieqiati Nihemaituola para maiuwi nito ang WBC Asian Boxing Council bantamweight belt.

Sa undercard ng laban, natalo rin sa puntos si dating Philippine welterweight champion Arnel Tinampay kay Chinese Tonghui Li kaya naisuot nito ang bakanteng OPBF Silver super welterweight belt.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kamakalawa ng gabi naman, natalo si dating WBO minimumweight champion Merlito Sabillo kay Chinese Jing Xiang sa 12-round unanimous decision para sa bakanteng WBC Silver light flyweight crown sa Qinzhou, China.

Nabigo rin si Filipino journeyman Richard Garcia nang matalo sa 8-round unanimous decision kay Chinese Gao Shichao sa undercard ng sagupaan.

-Gilbert Espeña