Lassiter, putok ang kilay; Belga, durog ang ilong sa bigong laban ng PH cagers va Iran sa FIBA World

TEHRAN, Iran – Tunay ang kataga ni national coach Yeng Guiao. Hindi lang si Haddadi ang pundasyon ng Iran.

NILUSUTAN ni Scottie Thompson ang depensa ng Iran, habang nagtamo ng malalim na sugat sa kaliwang kilay si Mario Lassiter sa ‘physical game’ ng Team Philippines laban sa Iran. Umuwing luhaan ang Pinoy, 73-81.  (FIBA PHOTO)

NILUSUTAN ni Scottie Thompson ang depensa ng Iran, habang nagtamo ng malalim na sugat sa kaliwang kilay si Mario Lassiter sa ‘physical game’ ng Team Philippines laban sa Iran. Umuwing luhaan ang Pinoy, 73-81.
(FIBA PHOTO)

Nabigo ang Team Philippines Gilas, sa kabila nang mahabang pamamahinga ng dating NBA player Hammad Hadadidi, sa host Iranian, 81-73, sa second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers nitong Huwebes ng gabi sa Azadi Gym sa Tehran.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Literal na sumambulat ang dugo sa determinadong kampanya ng Pinoy matapos maputukan ng kilay si Mario Lassiter papasok sa final period kung saan naghahabol lamang ang Filipino dribblers sa 63-60.

Kahit wala si Haddidi, ratsada sina Sajjad Mashayekhi, veteran Samad Nikkah Bahrami, Rouzbeh Arghavan, Meisam Mirza at Behnam Yakhchali sa final period para hiyain ang Team Philippines – binubuo nang mga bagitong miyembro ng Gilas – sa pangangasiwa ng bago ring coach na si Yeng Guiao.

Nanguna si Filipino-German Christian Standhardinger, naglaro sa koponan bilang local player, sa naiskor na 30 puntos. Bumagsak ang Pinoy sa 4-3 karta sa Group F.

Bukod sa putok na kilay ni Lassiter, nagtamo rin ng pilay si Paul Lee at dumugo ang ilong ni Beau Belga sa dikdikang laban para sa minimithing slots sa World Championship.

Itinaas ni Scottie Thompson ang level ng opensa ng Nationals sa third period a naiskor na limang puntos, tatlong rebounds at tatlong assists para makuha ng Pinoy ang 49-46 bentahe.

Nagsagawa ng maiksing rally ang Iran bago nagpalitan ng puntos, tampok ang apat na puntos mula kay Belga para maitabla ang iskor sa 58-all may 1:50 ang nalalabi sa third period.

Hataw sa Iran si Bahrami sa naiskor na 21 puntos, walong rebounds at apat na assists.

Pinalaro lamang ang Iranian star si Haddadi sa huling limag minuto kung saan halos sigurado na ang panalo. Napabalita na nagtamo ng ijury si Haddadi bago ang laban sa Team Philippines. Umakyat ang Irans sa 6-1 karta sa Group F.

Nag-ambag si Alex Cabagnot ng siyam na puntos at limang assists, habang tumipa si Belga ng pitong puntos at umiskor ng tig-limang puntos sina Lee at Lassiter mula sa mababang 3-of-14 shooting.

Sunod na haharapin ng Iran ang Japan sa Tokyo, habang mapapalaban ang Philippines sa Qatar sa Lunes sa ‘close door’ game sa Araneta Coliseum.

Iskor:

Iran (81) – Nikkhahbahrami 21, Mashayekhi 19, Kazemi 11, Arghavan 8, Yakhchalidehkordi 7, Jamshidijafarabadi 6, Mirzaeitalarposthi 5, Saberi 4, Haddadi 0, Davoudichegani 0, Mozafarivanani 0.

Philippines (73) – Standhardinger 30, Cabagnot 9, Belga 7, Lee 6, Thompson 5, Almazan 5, Lassiter 4, Taulava 3, Sangalang 2, Norwood 2, Erram 0, Maliksi 0.

Quarters: 21-22; 40-38; 63-59; 81-73.