TINIYAK ni Jess Rhey Waminal na hindi siya matatalo sa hometown decision nang mapabagsak niya sa 9th round at tuluyang mapatigil si South Korean 118 pounds titlist Jin Wook Lim para matamo ang bakanteng WBO Asia bantamweight crown sa sagupaan sa Gijang Stadium, Busan South Korea nitong Setyembre 7.

Inaasahang papasok sa WBA bantamweight rankings si Waminal na napabagsak ni Lim sa 3rd round pero nakabawi sa pagsapit ng 9th round kaya walang nagawa si referee Kwan Ho jang kundi itigil ang laban nang groggy pa rin kahit nakabangon ang South Korean boxer.

Napaganda ni Waminal ang kanyang kartada sa 12-2-1 na may 7 pagwawagi sa knockouts samantalang bumagsak ang rekord ni Lim sa 10-6-5 na may 3 panalo sa knockouts.

-Gilbert Espeña

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA