PARE-PAREHO ang tanong ng mga reporter na nakapanood ng trailer ng Ika-5 Utos: Ano kaya ang magiging rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Afternoon Prime na magpa-pilot sa September 10, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Jean

Ayon kay Direk Laurice Guillen, hindi pa nila alam ang rating ng MTRCB sa serye, dahil that time sa presscon ay hindi pa nare-review ng ahensiya ang pilot week ng Ika-5 Utos.

“I think we have a good show. I hope you spread the word,” sabi ni Direk Laurice.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Isa sa mga bida ng Ika-5 Utos si Jean Garcia, na lumutang na naman ang galing sa kanyang mga eksena. Na-starstruck nga sa kanya ang kabataang cast na kinabibilangan nina Jeric Gonzales, Inah de Belen, Klea Pineda, Migo Adecer, at Jake Vargas.

“Naku, lahat kami magaling, kailangan lang makinig kay Direk Laurice para makuha ang gusto niyang acting,” sabi ni Jean.

“Big factor na nag-workshop muna kami bago mag-taping. Hindi pumayag si Direk Laurice na hindi kami mag-workshop kahit one day lang. ‘Yung mga bagets, two days silang nag-workshop kay Direk Laurice mismo, at sa anak niyang si Ana Feleo,” dagdag pa ni Jean.

Biniro namin si Jean, at tinanong kung ilan ang papatayin niya sa Ika-5 Utos, at sinabi niya na sa mga eksena niya na nakuhanan na ay wala pa siyang pinapatay.

“Hindi ko alam sa next episodes kung may papatayin ako. Basta kami lahat ready kung ano ang mangyayari sa mga karakter namin at sa ipagagawa ni Direk Laurice. Laging kasama si Direk Laurice dahil takot kami lahat sa kanya,” pag-amin ni Jean.

Birthday ni Jean noong August 22. Forty nine years old na siya, but she doesn’t look her age, dahil bata pa rin ang hitsura ng aktres.

Ano ang birthday wish ni Jean?

“Dahil Ika-5 Utos ang show namin, ang birthday wish ko ay tumagal nang five years ang show namin,” sagot ni Jean.

-NITZ MIRALLES