MAHABA ang listahan ng mga singers na sa kalaunan ay sumasabak din sa pag-arte. At maidadagdag na ngayon sa listahang ito si Darren Espanto, na napapanood ngayon sa una niyang pelikula, ang The Hows of Us nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Darren copy

Unang sabak ito ni Darren sa movie acting, at gumaganap siyang kapatid ni Kathryn. Inamin ni Darren na magkahalong kaba at excitement ang kanyang naramdaman sa first day of shooting.

Pero ang lahat ng ito ay napawi sa todong suporta ng buong cast at ang maka-ateng paggabay sa kanya ni Direk Cathy Garcia Molina.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dama rin ni Darren ang suporta ng mga fans na ngayon pa lang ay humihiling na magkaroon ng second movie ang kanilang iniidolo.

Subok lang para kay Darren ang lumabas sa pelikula. Ang top priority niya ay ang pagkanta. Sa Pinoy countdown ng Myx ay number one ngayon ang single niyang Poison.

-Remy Umerez