LUSOT na sa kontrobersya si Greg Slaughter, ngunit nakabinbin pa ang katayuan nina Christian Standhardinger at Stanley Pringle sa PH Team para sa FIBA World Cup qualifiers.

Kapwa foreign-breed ang dalawa at batay sa regulasyon ng FIBA isang naturalized player lamang ang kailangang maisama sa koponan na isasabak ng mga miyembrong bansa sa World Cup qualifier.

Bunsod nito, isang ‘win-win’ solusyon ang naisip ni National coach Yeng Guiao.

“I’m more or less convinced to play both Christian and Stanley in this window for at least one game. So baka magpalitan or mag-alternate sila ng designation as naturalized player,” pahayag ni Guiao.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“If Christian plays in the Iran game, then Stanley plays in the Qatar game. If Stanley plays in the Iran game, then Christian plays in the Qatar game,” aniya.

Bunsod ng isyu sa eligibility, ibinitin ni Guiao ang pagpapalabas sa final line up ng koponan para sa Fiba World.

“Kaya nga sabi ko ang hirap ilabas pa nung lineup kung hindi pa natin alam yung decision because the current situation. Kay Greg maliit na usapin lang, pero sa dalawa tiyak na mamimili tayo,” sambit ni Guiao.

Sa kabila nito, nakatuon pa rin ang atensyon ni Guiao sa paghahanda ng koponan at sa sistemang gagawin nila laban sa mighty Iran at Qatar.

“Half the team already knows the system, the plays. We still have five days for the rest of the team to get a grasp of the system and absorb it. Yun na naman ang problema natin, cramming na naman because we’re short of time and short of preparation.

“But we’re hoping we’ll get the same effect as the Asian Games team. We’re hoping we can do that again,” aniya. “With the IQ and with the intelligence of these guys, I think that’s very possible na makahabol tayo.”

Nakatakda ang laro laban sa Iran sa Setyembre 13 sa Tehran, habang gaganapin ang duwelo sa Qatar sa Setyembre 17 sa closed-door match sa Araneta Coliseum.