NAGSANIB puwersa ang Philippine Sports Commission (PSC) at ang Philippine Collegiate Champions League (PCCL) upang palawigin ang mga collegiate basketball league sa bansa.

ramirez

Ang nasabing pagsasanib-puwersa ay daan upang patatagin ang pagkakaisa sa National Collegiate Basketball Championship (NCBC).

Sa ginanap na press conference kahapon, sinabi ni PSC chairman William Ramirez na ang NCBC ay tatampukan ng mga kampeon mula sa iba’t ibang collegiate league sa bansa.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nakiisa rin sa programa sina PSC commissioners Charles Maxey, Celia Kiram at Arnold Agustin kasama ang pamunuan ng PCCL. Sa pangunguna ni Reynaldo Gamboa.

Tatawagin na PSC-PCCL President’s Cup ang nasabing liga na katatampukan ng mga kampeon na koponan buhat sa iba’t ibang collegiate league tampok ang Universities Athletics Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA).

“This is a part of our grassroots programs and I am happy for this partnership,” pahayag ni Ramirez.

I k inas iya ni Gamboa ang ayuda ng PSC sa kanilang layuning patatagin ang basketball sa grassroots level.

“When we say President’s Cup since PSC is under the Office of the President we are dedicating this league para kay Presidente Duterte,” ani Gamboa.

Ang nasabing liga ay dadayo sa buong kapuluan kung saan magkakaroon ng Luzon Finals, Visayas at Mindanao at National Finals.

-Annie Abad