Romeo, pinagmulta sa pambu-bully sa PBA
MULI na namang nasangkot sa gusot si Terrence Romeo – at sa pagkakataong ito kailkangan niyang magbayad ng P22,600 bilang multa sa pakikipag-bangayan kay Columbian Dyip guard Rashawn Mccarthy.
Pinatawan ng PBA ng multa ang TNT Katropa guard nang bigyang ng headbutt si McCarthy may 1:06 ang nalalabi sa overtime win ng Katropa, 118-114, nitong Linggo.
Ang bulto ng malaking multa na P20,000 ay dahil sa ginawa nyang pag headbutt kay McCarthy.
Nadagdagan pa ito bg P 1,000 dahil sa second motion, at PHP 1,600 sanhi ng panduduro kay McCarthy nang makaiskor siya sa harap nito 57 segundo ang natitira sa laro.
Sa naturang desisyon, pinatawan din ng multang P20,000 si Columbian Dyip import Akeem Wright matapos matawagan ng flagrant foul penalty 2 kontra kay Aljon Mariano sa laban nila kontra Barangay Ginebra nitong Biyernes kung saan nanalo ang Kings, 96-84.
Kamakailan, nasangkot din ang dating FEU Tams star sa gulo sa loob ng isang bar sa Quezon City nang tangihan umano nito ang pakiusap nang ilang tagahanga na magpakuha ng kanyang larawan.
Bilang miyembro ng Philippine Gilas team, kasama rin si Romeo sa napatawan ng tatlong larong suspension ng International Basketball Federation (FIBA) matapos kulatain ang mga miyembro ng Team Australia sa kanilang laro sa FIBA World Cup Asia qualifier sa Philippine Arena noong Hulyo 2.
Kasama niyang nasuspinde sa FIBA ngn tatlong laro sina Jayson Castro, Andray Blatche at Troy Rosario, habang may anim na larong suspensyon kay Calvin Abueva, tig-limang laro kina Roger Pogoy, Carl Cruz at Jio Jalalon, habang tigisang laro kina Japeth Aguilar at Matthew Wright.
Sinuspinde rin ng tatlong laro si assistant coach Jong Uichico bunsod ng ‘unsportsmanlike behavior’, habang si coach Chot Reyes ay pinatawan ng isang larong suspension bunsod ng ‘inciting unsportsmanlike behavior.”
-Marivic Awitan