JAKARTA – Ginapi ng China ang Iran, 84-72, nitong Sabado upang muling makamit ang kampeonato sa men’s basketball ng 18th Asian Games sa GBK Istora.

Kumana ng tig-16 puntos sina Zhou Ri at Tian Yuxiang para sandigan ang China sa panalo at muling madomina ang sports na inagaw ng South Korea sa 2014 Asian Games sa Incheon.

Sa kabuuan, tangan ng China ang walo sa huling 11 men’s basketball title sa Asiad.

Nag-ambag si Houston Rockets center Zhou Qi ng 15 puntos at 11 rebounds, at apat na blocks mula sa 3-of-5 shooting sa three-point area.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nanguna sa Iran si Hamed Haddadi sa naiskor na 27 puntos at 10 rebounds, habang kumana si Mohammadsamad Nikkhabahrami ng 13 puntos at walong assistspara sa Iran, nasungkit ang silver medals sa ikalawang sunod na Asiad.

Nakamit naman ng Korea ang bronze medal sa 89-81 panalo kontra Chinese Taipei. Hataw si Ricardo Ratliffe sa naiskor na 37 puntos at 17 rebounds para sa Koreans.