Ni MERCY LEJARDE

Mikee Quintos
Mikee Quintos
NANGYARI na ang matagal nang inaabangan ng lahat, bagamat sa pagkakataong ito ay sa telebisyon nasaksihan ang klasikong eksena ni Cherie Gil. Muling ginawa ng beteranang aktres ang iconic niyang eksena sa Bituing Walang Ningning—nang magtapon siya ng tubig sa co-star niya sa Onanay.

Pero ang nasampulan nito sa serye ay si Mikee Quintos, na gumaganap bilang si Maila, anak ni Onay (Jo Berry), na manugang ni Cherie.

Maraming fans ang humanga sa naturang eksena, pero si Mikee, aminadong sobrang takot ang naramdaman niya nang i-shoot ang nasabing eksena.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Gayunpaman, muling napabilib si Mikee ng itinuturing niyang isa sa mga idolo niya sa showbiz. Kuwento niya, iba raw ang naging atake ni Cherie sa nasabing iconic scene, pero naramdaman niya talaga ang bigat ng emosyon nito.

Dahil dito, mas lalo raw lumalim ang paghanga ni Mikee kay Cherie. Ano naman kaya ang masasabi ng ating prima kontrabida sa Onanay?