JAKARTA— Mistulang dumalo sa volleyball clinic ang Philippine women’s volleyball team sa natamong 25-15, 25-9 , 25-7 kabiguan sa world powerhouse at Olympic champion China sa quarterfinal ng volleyball competition sa 18th Asian Games sa Gelora Bung Karno Volleyballe Arena.

Nangailangan lamang ang Chinese squad ng 59 na minuto para matiklupin ang pilit sa bungang Philippine Team para makausad sa medal round ng kompetitisyon.

Madalian lamang na binuo ang PH volleyball at sa kabila nang hindi pagpasa sa itinakdang criteria ay isinama sa delegasyon na ikinadismaya ng volleyball community.

Tanging ang Hong Kong ang tinalo ng Pinay volleybelles sa anim na laro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sunod na hahrapin ng Philippines ang Kazakhstan sa Biyernes para sa ikapito hanggang ikawalong puwesto.

Nanguna si Gong Xiangyu sa China na naiskor na 11 hits, apat na blocks, isang ace at anim na digs, habang tumipa si Liu Xiaotong ng walong kills, isang block, isang ace at tatlong digs.

China’s top player, Rio Olympics MVP Zhu Ting, played limited minutes, and had five kills and four digs.

Kumana si Jaja Santiago para sa Philippine ng 12 hits, tatlong blocks, isang ace at dalawang digs.