Lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kasunduan sa larangan ng labor, science, defense, at trade and investment sa kanyang pagbisita sa Israel at sa Hashimite Kingdom of Jordan sa susunod na linggo, inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinabi ni DFA Undersecretary Ernesto Abella na layunin ng pagbisita ni Duterte na mapanumbalik at mapabuti pa ang relasyon sa dalawang bansa.

“These trips will be the first by a sitting Philippine president to both countries. The visits will mark historic milestones, benefit trade, and strengthen relationships with key partners in the Middle East,” aniya.

Sa pre-departure briefing sa Malacañang, sinabi ng dating tagapagsalita ng Palasyo na sa Israel, lalagda ang gobyerno ng Pilipinas sa memorandum of agreement (MOA) sa pagkuha ng Filipino caregivers, memorandum of understanding (MOU) sa scientific cooperation, at MOU sa pagitan ng Board of Investments ng Philippines at Invest ng Israel.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Sa Jordan, sinabi ni Abella na lalagda ang gobyerno sa MOA sa pagkuha ng domestic workers, at MOU sa labor cooperation.

Pipirma rin ang gobyerno sa MOU sa defense cooperation, habang inaasahan din ang investment agreement sa Jordan Investment Commission at pagpapalakas sa two-way trade at investments.

Bukod sa mga nabanggit na kasunduan, sinabi ni Abella na palalakasin din ng Pilipinas ang foreign relations sa Jordan sa pamamagitan ng political consultations.

Ipinaliwanag din ni Abella na layunin ng biyahe ni Duterte sa dalawang bansa sa middle east na linawin ang working conditions ng tinatayang 28,000 overseas Filipino workers sa Israel, at 40,000 OFWs sa Jordan.

“So specifically Jordan, there doesn’t seem to be at this stage any drastic cry for the well-being, but there is a demand for the improvement of procedures in order to ensure the well-being of workers, laborers there are ensured,” ani Abella.

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS