Mga laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- TNT Katropa vs Phoenix

7:00 n.g. -- Ginebra vs Columbian Dyip

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

MAKABALIK sa winning track ang kapwa tatangkain ng magkatunggaling TNT Katropa at ng Phoenix sa unang laro habang sasabak na rin sa wakas ang Commissioners Cup titlist at defending champion Barangay Ginebra sa tampok na laban sa pagpapatuloy ngayon ng PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Tinalo ng Alaska ang Fuel Masters sa laban ng dating dalawang unbeaten teams nitong Miyerkules habang sumadsad sa nakaraang dalawang laro nila ang Katropa matapos manalo sa kanilang ikalawang laban kontra Bolts.

Ganap na 4:30 ng hapon ang tapatan ng Katropa na nasadlak sa kanilang pinakamababang panimula ngayong conference at ng Fuel Masters na susundan naman ng salpukan ng Kings at ng winless pa ring Columbian Dyip ganap na 7:00 ng gabi.

Huling natalo ang Dyip noong nakaraang Miyerkules sa kamay ng NLEX,104-116 na nagsadlak sa kanila sa kartadang 0-3.

-Marivic Awitan