Umabot na sa 15 ang kaso kaugnay ng Dengvaxia controversy na isinampa ng Public Attorneys’ Office (PAO) sa Department of Justice (DoJ).

Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, tatlong panibagong reklamong kriminal ang kanilang inihain laban sa mga kasalukuyan at dating opisyal ng DoH, ng Sanofi Pasteur, at ng Zuellig Pharma.

Kabilang sa mga isinampang reklamo ang reckless imprudence resulting in homicide at mga paglabag sa Anti-Torture Act at Consumer Protection Act, na inihain ng pamilya nina Christine Mae de Guzman, Erico Liabres at Clarissa Alcantara, na pawang nasawi matapos na maturukan ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Acosta, may siyam na kaso pang ihahain ang PAO sa DoJ sa mga susunod na araw.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kaugnay nito, nagsumite kahapon ang mga respondents ng kanilang rejoinder affidavit sa pagpapatuloy ng hearing sa DoJ.

-Beth Camia