NAKALABAS na sa Cardinal Santos Medical Center ang ama ni Ken Chan na may stage 2 esophagus cancer. Pero kuwento ni Ken sa presscon ng My Special Tatay, balik hospital ang dad niya ara sa chemotherapy. Hindi nabanggit ni Ken kung ilang cycle ng chemo ang dadaanan ng kanyang ama bago ito gumaling.

“Very positive si Papa, at kami ring pamilya niya, na gagaling siya. At ‘yun ang importante, lumalaban siya sa sakit niya, at kami naman ay nakasuporta sa kanya,” sabi ni Ken.

“Thankful nga ako sa GMA-7 dahil noong maospital si Papa, saka dumating ang offer ng My Special Tatay. Nabalanse ang pangyayari, may sakit si Papa, pero may bago akong show na ang talent fee ko ay makakatulong sa medical bills niya,” dagdag pa ni Ken.

Tribute ni Ken sa Papa niyang pure Chinese from Hong Kong ang My Special Tatay, dahil tungkol sa pagiging ama ang tema ng Afternoon Prime na magpa-pilot sa September 3, sa direksiyon ni LA Madridejos.

Tsika at Intriga

Cristine Reyes, Marco Gumabao in-unfollow na ang isa't isa

Pinanood ni Ken ang mga pelikulang I Am Sam at Forrest Gump, at ang mga teleserye ng GMA-7 na Little Nanay ni Kris Bernal at Nio ni Miguel Tanfelix para makakuha ng tips para hindi maging OA ang pag-atake niya sa role ni Boyet, na may mild autism.

“Ang kaso ko, mild autism, at ang challenge sa akin ay hindi ‘yung sa may severe mild disability ang pag-atake ko sa karakter ko. Sa tulong ni Direk LA, nagagawa ko naman nang tama lang ang acting na kailangan sa kondisyon ko. Sobrang nakatulong ang immersion na ginawa namin ni direk LA para hindi kami malihis sa pagpapakita kay Boyet sa viewers,” pagtatapos ni Ken.

Sa Lunes na nga ang simula ng airing ng My Special Tatay at malalaman na ang istorya ni Boyet at ang mga taong nakapaligid sa kanya.

-NITZ MIRALLES