Target ng Kamara na maipasa ang 2019 national budget sa Oktubre matapos pumayag ang Department of Budget and Management (DBM) sa tinatawag na hybrid budgeting system.

Sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na napagkasunduan ang hybrid budgeting system sa pulong ng mga pinuno ng Kamara at ng Malacañang.

Kasama sa pagpupulong sina Andaya, House Committee on Appropriations Chairman Karlo Alexei Nograles (1st District, Davao City), Budget Secretary Benjamin Diokno, at Finance Sec. Carlos Dominguez.

Tiniyak ni Andaya na maipapasa ng Kamara ang P3.757 trilyon budget para sa 2019 sa Oktubre 12.

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

-Bert De Guzman