Nanawagan kahapon sa Commission on Elections (Comelec) ang isang transparency group para siguraduhin na sasalaing mabuti ng komisyon ang mga party-list group na nagbabalak na tumakbo sa halalan sa Mayo 2019.

Ito ay sa gitna ng plano ng Pinoy Aksyon on Governance and the Environment (Pinoy Aksyon) na maghain ng disqualification case laban sa Ang Mata ay Alagaan (Ang Mata) sa susunod na buwan hinggil, sa umano’y pambababoy sa sistema ng party-list.

“They are already bastardizing the party list system,” pahayag ni Bency Ellorin, chairman ng Pinoy Aksyon.

Naaalarma umano ang grupo sa mga ulat na nagbukas ang naturang party-list group ng libreng eye clinic gamit ang mga hindi lisensiyadong doktor at namamahagi pa ng mga produktong eye care na hindi aprubado ng pamahalaan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kung sakaling totoo, sinabi ng Pinoy Aksyon na “quackery” umano ang ginagawa ng partido.

“Maybe, this should also compel the Comelec to tediously screen party-list groups, in terms of genuine representation to the poor and marginalized and their capacity to serve these sectors,” ayon sa grupo.

Nanawagan din ang Pinoy Aksiyon sa House ethics and health committee na silipin ang mga proyektong isinasagawa ng party-list.

-Leslie Ann G. Aquino