MOSCOW (AFP) – Ipamamalas ng Russia sa susunod na buwan ang kanyang lakas sa idadaos na pinakahiganteng war games simula ng Cold War era, na sasalihan ng 300,000 tropa at 1,000 aircraft, sinabi ng defence minister nitong Martes.

Aarangkada ang Vostok-2018, o East 18, exercises simulating large-scale warfare, simula Setyembre 11 hanggang 15 sa silangan ng bansa, at makikibahagi rin ang mga tropa mula sa China at Mongolia.

Inihayag ni Defence Minister Sergei Shoigu na ang exercises ay magiging kasinlaki ng ginanap noong Setyembre 1981 ng Soviet authorities, na tinawag na Zapad-81, o West 81. ‘’This will be something of a repeat of Zapad-81, but in some senses even bigger,’’ komento ni Shoigu, iniulat ng Russian news agencies.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'