Hinamon ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison si Pangulong Duterte na ibunyag ang tunay na kalagayan ng kalusugan nito.

Kapag ginawa ito ni Duterte ay handa umano si Sison na isapubliko rin ang sarili niyang medical certificate.

Sa isang pahayag, hinamon ni Sison ang Pangulo na sumailalim sa medical examination ng mga eksperto sa Philippine General Hospital (PGH) upang malaman kung ito ay “physically” at “mentally fit” para pamunuan ang bansa.

Ayon sa CPP leader, ibubunyag din niya ang tunay na lagay ng kalusugan kapag naglabas na ng medical certification si Duterte.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ito ay matapos sabihin ni Duterte na may colon cancer si Sison, na una nang nagpakalat umano ng balita na comatose ang Presidente.

Kaugnay nito, inakusahan ni Sison si Duterte na napilitang lang na magpakita sa publiko at ihinto ang pagpapahinga upang pabulaanan ang mga haka-haka tungkol sa kalusugan nito.

-Beth Camia