Pinagsasaksak ng isang lalaki ang kanyang sariling ina at kapatid habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon sa isang bayan malapit sa Paris, nitong Huwebes.

Matagal na umanong nasa terror watch list ang 36-anyos na may “serious mental health problems”, ayon kay Interior Minister Gerard Collomb, matapos niyang bisitahin ang pinangyarihan ng krimen.

Hindi pa rin kinukumpirma ang motibo ng kaharasan sa kabila ng pahayag ng Islamic State (IS) group na ito ay kagagawan ng isa nilang miyembro bilang tugon sa propaganda ng teroristang grupo.

Sinabi naman ni Collomb, “mentally unstable, rather than someone who was committed, who would respond to orders from a terrorist organisation” ang attacker.
Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline