CARACAS (AFP) – Niyanig ang Venezuela ng 7.3-magnitude na lindol malapit sa northeastern coast nito, sinabi ng US Geological Survey nitong Martes, nagdulot ng panic ngunit wala pang iniulat na nasugatan o napinsala.

Sinabi ni Edwin Rojas, ang governor ng pinakamalapit na estado sa lindol, sa government television na “the situation is calm,” idinagdag na “it’s been many years since we’ve felt a quake of this level.”

“There is no tsunami threat from this earthquake,” sinabi ng US Pacific Tsunami Warning Center.

Naramdaman ang pagyanig ng ilang segundo may 400 kilometro ang layo mula sa kabiserang Caracas, lalo na sa matataas na gusali, karamihan ay inilikas dahil sa takot ng aftershocks o pinsala sa istruktura.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Sinabi ni Venezuela Interior Minister Nestor Reverol na ang prolonged quake “was felt in several states” ngunit “for now, there are no reports of victims.”

Sinabi ng USGS na ang lindol ay nangyari 5:30 ng hapon, at nakasentro malapit sa baybayin ng Sucre, sa lalim na 123 kilometro