PALEMBANG – Magkakasunod na natigbak ang tatlong Pinoy netters sa singles play nitong Lunes sa 18th Asian Games tennis championship sa Jakabaring Sports City courts dito.

Kipkip pa ang sakit dulot ng kabiguan sa mixed doubles kasangga si Marian Jade Capadocia nitong Linggo, natamo ni Alberto Lim Jr. ang 4-6, 2-6 kabiguan kay China’s Zhang Zhizhen.

Nasibak din ng maaga sa main draw sina Jeson Patrombon at Capadocia.

Nadomina si Patrombon ni top world junior netter at Chinese No. 12 seed Wu Yibing, ang 2017 US Open junior champion, 6-2, 6-1, sa second round ng men’s singles, habang nagapi ni Japanese Eri Hozumi si Capadocia, 6-1, 6-3, sa first round ng women’ side.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasalukuyan pang lumaban ang tambalan nina Francis Casey Alcantara at Patrombon kontra No. 4 seed Taiwanese tandem nina Chen Ti at Peng Hsinyin sa second round ng men’s doubles.