BINAWIAN ng buhay si Aretha Franklin sa Detroit, Michigan, noong Agosto 16 dahil sa pancreatic cancer, sa edad na 76 at inireport ng TMZ na wala siyang will, ayon sa Business Insider.

Aretha copy

Tinatayang $80 million ang net worth ni Aretha.

Ang kanyang assets ay pantay-pantay na hahatiin sa kanyang apat na anak, ayon sa Michigan state law.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa pinakabagong updates kasunod ng kanyang pagkamatay, inireport ng TMZ na walang iniwang will ang Queen of Soul, ayon sa mga court documents na nakuha ng news outlet.

“It’s especially surprising given that she has a special needs son named Clarence who needs financial and other forms of support for his entire life,” pahayag ng TMZ. “Aretha was ill for several years, but apparently did not see the end coming ...or possibly a will was low on the priority list.”

Hindi pa kumpirmado kung bakit walang iniwalang will si Franklin, ngunit maliwanag na malaki ang iniwan niyang assets.

“I would expect that she has a house, probably a financial account of some kind — a brokerage account, stocks, bond, cash,” lahad ni Kenneth Silver, shareholder sa Hertz Schram law firm sa Michigan sa People, pagkaraang bawian ng buhay ang aktres. “She probably has investments of a wide variety — perhaps in real estate ventures, other businesses that she may own or have an interest in.”

Hinala rin niya na naitago niya ang ilang mahahalang gamitan kabilang ang mga natanggap na award at gold record.

Ngunit dahil walang will, saan mapupunta ang ari-arian at pera ni Aretha?

Kung walang will, ang mga nalalabing asset ay mapupunta sa mga kapamilyang naulila ng aktres, ayon sa batas, ani Elena Holodny ng Business Insider sa ibang artikulo. Ayon sa Michigan state law, ang mga ari-arian ni Aretha ay hahati-hatiin sa kanyang apat na anak.