SUMALI kami sa blogcon para sa birthday concert ni Kyline Alcantara billed Kyline TAKE FL1GHT happening sa Skydome sa September 8. Sabay sa concert ni Kyline ang release ng kanyang single na Fake Love, na galing sa self-titled album niya to be released on September 18 via Spotify and over 180 digital stores worldwide.

Kyline at Therese

Sa blogcon, kinanta ni Kyline ang Fake Love, na magiging available sa pre selling simula sa susunod na buwan. Ang pre-selling ng album na Kyline ay magsisimula sa September 8, habang September 3 naman ang 16th birthday niya.

“Sobra akong overwhelmed sa upcoming concert ko at sa release ng album. Dati pangarap ko lang magka-album at mag-concert at mag-perform sa harap ng maraming tao. Ngayon, natupad na. Para ito sa mga naniniwala at nagtitiwala sa akin, para rin sa Sunflowers ko (tawag niya sa kanyang supporters) dahil sila ang dahilan kung bakit unti-unti kong natutupad ang mga pangarap ko,” sabi ni Kyline.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Produced ng GMA Records at CCC Productions ang concert, sa direksiyon ni Marvin Caldito at musical director si Soc Mina. Guests sa concert sina Derrick Monasterio, Jeric Gonzales, Migo Adecer, James Wright, at Kristoffer Martin.

After ng concert ni Kyline, pag-uusapan na ang susunod niyang teleserye, kung saan makakasama niya si Therese Malvar, ang nanalong Best Performance of a Supporting Actress sa Cinemalaya.

Heto pa, magsasama sina Kyline at Bianca Umali sa Daig Kayo ng Lola Ko. Sila ang guests for the month of September, at siguro naman, okay na sila by that time at hindi na sila magdededmahan ‘pag magkikita.

-Nitz Miralles