PUMANAW na si Aretha Franklin, ang anak ng preacher na tinaguriang “Queen of Soul” dahil sa kanyang powerful voice, nitong Huwebes, sa edad na 76, ayon sa mga awtoridad.

Aretha copy

Mula sa kanyang mga awitin, ay kinilala at tanyag sa buong mundo ang hits niyang Respect at Chain of Fools.

Binawian ng buhay si Aretha, na nagwagi ng 18 Grammy Awards at tumanggap ng 25 gold records, sa kanyang tahanan sa Detroit, kapiling ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay, lahad ng kanyang publicist. Pancreatic cancer ang ikinamatay ng legendary singer na matagal na niyang nilalabanan.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Ang pangyayaring ito ang itinuturing na darkest moments sa buhay ng pamilya ni Aretha, na nagsabing hindi nila mahanap ang wastong salitang maglalarawan sa nararamdaman nilang sakit.

“We have lost the matriarch and rock of our family. The love she had for her children, grand­children, nieces, nephews and cousins knew no bounds,” sabi ng kanyang pamilya sa isang pahayag.

Ang ama ni Aretha ay isang Baptist preacher sa Detroit, at ang gospel na kanta na kanyang narinig sa church ng kanyang ama ang naging pundasyon ng kanyang musika. Ang kanyang kakaiba at powerful na boses ang naging susi niya para manguna at sumikat sa noong 1960s gamit ang soul music, kasama sina Otis Redding, Sam Cooke at Wilson Pickett.

Aktibo rin si Aretha sa U.S. civil rights move­ment at kumanta siya sa burol ng napatay na civil rights leader na si Martin Luther King, Jr. noong 1968.

Nagtanghal din siya sa presidential inaugura­tions nina Barack Obama at Bill Clinton. Noong 1987, siya ang unang babaeng ibinoto na makapa­sok sa Rock and Roll Hall of Fame, at tinagurian naman siya ng Rolling Stone magazine noong 2010 bilang ang No. 1 singer ng rock era.

Matapos mag-record at mag-tour bilang isang batang gospel singer, nabigyan naman ng pagkakataon si Aretha na payabungin ang kanyang career noong 1961 nang lumagda siya ng kasunduan sa Columbia Records. Pero hindi naman siya gaano sumikat sa Columbia, dahil nagkaproblema sila sa pagtukoy o pagpapahusay sa kanyang istilo at dahil sa pilit na pagppapalipat kay Aretha sa pop music.

Lumipat siya sa Atlantic Records noong mid-1960s, kung saan tinrabaho ng producer na si Jerry Wexler na i-combine ang kanyang powerful voice sa gospel, soul and rock, at doon ay naging isa siyang superstar “by letting the lady wail.” Ayon nga kay Aretha sa autobiography niya, “(she) Aretha-ized the music”.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay at tribute ang mga kapwa niya mang-aawit sa Twitter.

Tinagurian ng singer na si John Legend si Aretha bilang ang greatest vocalist na kanyang nak­ilala. “Salute to the Queen,” post niya sa Twitter.

Nag-tweet din ang singer na si Diana Ross: “I’m sitting in prayer for the wonderful golden spirit Aretha Franklin.”

Nag-post din si U.S. President Donald Trump sa Twitter: “She was a great woman, with a wonderful gift from God, her voice. She will be missed!”

Nag-isyu naman si ex-President Barack Obama at kanyang asawang si Michelle, ng state­ment: “(Aretha) helped us feel more connected to each other, more hopeful, more human. And sometimes she helped us just forget about every­thing else and dance.”

Reuters