Mahigit sa 1,500 pamilyang nabiktima ng terorismo sa Marawi City ang pinagkalooban ng household livelihood assistance ng Philippine Red Cross (PRC) upang makapagsimulang muli.

Pinangunahan ni PRC Chairman at Senador Richard Gordon ang pamamahagi ng tulong sa kabuuang 1,539 benepisyaryo na residente ng mga piling barangay sa lungsod.

Katuwang ang International Committee of the Red Cross (ICRC), pinagkalooban ang bawat pamilyang benepisyaryo ng P10,000 tulong pinansiyal para gamitin sa pagtatayo ng maliit na negosyo tulad ng sari-sari store, pedicab, gamit pangisda, pag-aalaga ng mga hayop, at iba pang pagkakakitaan.

Binigyang-diin ni Gordon na kahit tapos na ang kaguluhan sa Marawi City ay hindi pa rin dapat na kalimutanang mga residente doon. Sa halip dapat silang patuloy na pagkalooban ng tulong ang upang makabalik sa normal ang pamumuhay.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

-Mary Ann Santiago