AKSIYONG umaatikabo ang masasaksihan sa pagpalo ng Beach Volleyball Republic on Tour Manila Open ngayon sa Sands SM By The Bay.

Nakatuon ang pansin sa tambalan nina Sisi Rondina at rising star Babylove Barbon sa tatlong araw na labanan simula 8:00 ng umaga.

Ang tambalan nina Rondina at Barbon ng University of Santo Tomas ang liyamado sa 16 women’s pair sa torneo na may nakalaang P20,000 premyo.

Nakopo ni Rondina, kasama si Jinggay Bangad, ang BVR leg sa nakalipas na taon sa Currimao, Ilocos Norte.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Paborito rin ang tambalan nina Dzi Gervacio at Bea Tan ng Perlas.

Sasabakdin sa women’s division sina National University’s Klymince Orilleneda at Antonnete Landicho, UST 2’s Gen Eslapor at MJ Ebro, Far Eastern University’s Ivana Agudo at Marianne Calinawan, FEU 2’s Sheena Gallentes at Jamaica Pascua, University of Perpetual Help System Dalta’s Princess Deana Estanislao at Janine Padue, University of the East’s Manalo and Ritual, College of Saint Benilde’s Felicia Cui at Kaila Mendoza, Air Force’s Anna Abanto at Jennifer Manzano, University of the Philippines’ Jessma Ramos at Justine Dorog, at UP 2’s Abi Goc and Mikee Osorio.

Laban din sina Rizal Technological University’s Macie Candido at Jona Mae De Lima, Kempal’s Roma Doromal at Jasmine Nabor, Adamson’s Hannah Nicole Infante at Gracelchen Ave, at Ateneo’s Jules Samonte at Ponggay Gaston.

Libre ang panonood simula 8:00 ng umaga.