Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

5:00 n.h. -- Chelu Bar and Grill vs Go for Gold

UNAHAN na makapagtala ng ikalawang panalo na maglalapit sa kanila sa pinag-aagawang titulo ang asam ng magkatunggaling Chelu Bar and Grill at Go for Gold sa muli nilang pagtutuos ngayong hapon sa Game Three ng kanilang best-of-five series para sa 2018 PBA D League Foundation Cup Finals.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ganap na 5:00 ng hapon ang muling tapatan ng Revellers at Scratchers na tabla ngayon sa 1-1, pagkaraang makatabla ang huli nitong Game Two sa pamamagitan ng 105-81 na panalo.

Sa pangunguna ni Gab Banal na nagtala ng 7-of-8 mula sa 3 point arc at tumapos na may 33 puntos , nakagawa ang Scratchers sa kabuuan ng 15 triples.

Gayunman, batid ni Go for Gold coach Stevenson Tiu na hindi pa tapos ang problema nila sa Revellers.

“I can’t say we solved their puzzle until we beat them two more times.”

Gaya ng dati, inaasahang mamumuno sa gagawing pagbawi ng koponan si Jeff Viernes.

Ngunit, ayon kay Tiu, kailangan niya ng total team effort.

“Kulang kami sa intensity at focus. Yun ang dapat namin ayusin sa Game 3.”

Sinang-ayunan naman ito ng kanyang beteranong big man na si Jay-R Taganas.

“Yun lang, kailangan lang namin ibalik yung laro namin, yung effort namin, gawin lang namin yung dati naming ginagawa para manalo,” aniya.

-Marivic Awitan