Muling nakabangga ni Pangulong Duterte ang Simbahang Kotoliko, sinabing ito ang “most hypocritical institution” sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na hindi na siya miyembro ng Simbahang Katoliko sa pagtuligsa sa mga umano’y kurapsiyon at iba pang pang-aabuso na kinasasangkutan ng ilang pari.

“Is there any bishop here? I want to kick your ass,” sabi ni Duterte sa isang business forum sa Malacañang, nitong Martes.

“I’ll tell you, the most hypocritical institution in the Philippines is the Catholic Church,” dagdag niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ibinahagi ng Pangulo na minsan na siyang minolestiya ng isang pari noong nag-aaral pa siya sa Ateneo high school. Sinabi niya na ang yumaong si Fr. Mark Falvey ay nakulong sa seksuwal na pang-aabuso, kaya pinagbayad ang mga Jesuits ng $25 milyon sa mga batang biktima.

“I was a former Roman Catholic Church. We studied in Ateneo and we were molested, all of us. Two years up and two years down,” aniya.

Tinuligsa rin ni Duterte ang Simbahan sa pangongolekta nito ng pera mula sa kanilang mga miyembro tuwing misa, kinuwestiyon kung saan napupunta ang donasyon.

“The Catholic Church is strict about the behavior of workers of government because we spend the people’s money. But may I ask now, you collect --- not even taxes --- there’s a log --- bag of money and they go around collecting,” pahayag niya.

At dahil hindi na umano siya Katoliko, mas pinipili niyang bumuo ng sariling simbahan at tatawaging “Iglesia ni Rodrigo.”

-Genalyn D. Kabiling