Kung si Senator Manny Pacquiao ang tatanungin, mas nais niyang siya na mismo ang pumatay sa pamamagitan ng pagbaril sa mga nagpapasok ng droga sa bansa, banyaga man o Pinoy.

“Magpapakulong na lang ako… para ako na ang mag-firing squad sa drug lord na ‘yan na nagpasok dito sa Pilipinas,” ani Pacquaio.

Ang tinutukoy ni Pacquiao at ang nasa likod ng P6.80-bilyon halaga ng shabu na nadiskubre umanong naipuslit sa bansa noong nakaraang linggo.

Ang mga kasong may kinalaman sa droga ang ilan sa mga krimen na nais ni Pacquiao na mapatawan ng parusang kamatayan, kaugnay ng isinusulong niyang pagbabalik ng death penalty sa bansa.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“I-firing squad talaga. Kung ako, i-firing squad, kasi ang tigas talaga ng ulo. Ewan ko kung Pilipino ang gumagawa o foreigners ang gumagawa. Gusto kong masampulan ang foreigners na nagpapasok dito sa ating bansa,” dagdag ni Pacquiao.

“Para sa akin walang batas-batas. Para madisiplina, wala silang takot, eh. Nakakainit talaga ng ulo. Parang ang gusto ko ba ‘pag nahuli ‘yung nagpasok ng droga na ‘yan dito, at nahuli ‘yong droga na marami, ilagay sa tabi niya ‘yung droga, ilagay sa tabi dun, tapos ipakita sa taumbayan. I-firing squad,” ani Pacquiao

-Leonel M. Abasola