Arestado ang isang lalaki na umano’y nanggahasa ng sariling mga pamangkin sa Pasay City.

Isiniwalat ni Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., Southern Police District (SPD) director, ang pangalan ng inarestong suspek, 48, ngunit hindi na ito papangalanan ng Balita para sa kapakanan ng mga biktima.

Sa ulat na ipinarating ng SPD chief, basa sa imbestigasyon ng Pasay City Police na ang mga biktima, 12 at 14, ay kapwa pamangkin ng misis ng suspek.

Napag-alaman na ang 14-anyos na biktima ay makailang beses nang inabuso ng suspek at itinataong kapwa nasa trabaho ang magulang nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Huling beses umanong pinagsamantalahan ng suspek ang 14-anyos na biktima ay noong Oktubre 2017 at nadiskubre lamang ito ng magulang ng biktima nang mabatid na ito’y buntis at nakunan nitong Agosto 10, 2018.

Hindi rin nakalusot ang nakababata nitong kapatid, 12, sa suspek na paulit-ulit umanong ginahasa sa magkakahiwalay na okasyon.

Dumulog ang magulang ng magkapatid sa pulisya at ipinaaresto ang suspek, na nakumpiskahan ng isang camera na umano’y naglalaman ng sexual videos ng suspek at ng 12-anyos na biktima.

Kakasuhan ang suspek ng 2 counts na paglabag sa RA 8353 (Anti-Rape law) in relation to RA 7610 (Anti-Child Abuse Law) laban sa suspek.

-Bella Gamotea