May 22, 2026

Home BALITA National

Tumakbo na, nagbuhat pa! PBBM, ginawang barbell sako ng bigas

Tumakbo na, nagbuhat pa! PBBM, ginawang barbell sako ng bigas
Photo courtesy: Screenshots from RTVM

Binuhat na parang barbell ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang isang sako ng bigas bago niya ito ipamahagi sa ginanap na Biyayang Bigas para sa Maynila nitong Huwebes ng umaga, Abril 16, 2026.

Makikitang masayang binuhat ni PBBM ang sako na tila ba nagba-barbell upang ipakitang malakas siya, taliwas sa mga lumalabas na ulat na mahina na siya at ginugupo ng malalang sakit na nasa "stage 4" na.

Kasama ni PBBM si Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso sa pamamahagi ng mga sako ng bigas sa mga Manilenyo. Isinagawa ito sa isang mall sa Maynila.

"Funded by the Office of the President (OP) through the Financial Assistance to Local Government Units (FALGU) totaling Php286 million, the program provides rice subsidies to workers and vulnerable families in the City of Manila, delivering immediate food relief to approximately 80,000 families and supporting transport and service sector workers for six (6) months," mababasa sa post ng Presidential Communications Office (PCO) Facebook page.

"It also aims to strengthen demand for locally sourced rice, reinforcing the Administration’s commitment to easing economic pressure and uplifting Filipino farmers," aniya pa.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Kamakailan lamang, naging usap-usapan ang pag-jumping jack at pagtakbo ng Pangulo sa harapan ng mga media personnel upang patunayang nasa maayos na kalagayan siya.

Maki-Balita: PBBM napa-jumping jack, hinamon mga bumabatikos sa kalusugan niya!

Mariin namang pinabulaanan ng Malacanang na walang sakit si PBBM, at nagbanta pang kakasuhan ang mga nagpapakalat ng maling balita at impormasyon patungkol dito.

Maki-Balita: 'Fake news 'yan:' Usec. Castro, sinabing salot si Sen. Imee?