Arestado ang isang lalaki dahil sa pag-iingat ng hinihinalang ilegal na droga sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang dinakip na si Carlito Garcia, nasa hustong gulang, ng Barangay Tuktukan, Taguig City.

Sa ulat ng Taguig City Police, inaresto ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 6 ang suspek sa JP Rizal Street, Bgy. Tuktukan, dakong 11:30 ng gabi.

Unang nakatanggap ng sumbong ang awtoridad mula sa isang concerned citizen kaugnay ng nagaganap na bentahan ng droga sa naturang lugar, kaya agad na binerepika ng mga pulis.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nadatnan ang suspek, na kahina-hinala ang kilos, kaya sinita ng mga pulis at narekober ang limang pakete ng umano’y shabu na may bigat na 1.62 gramo.

Idiniretso si Garcia sa tanggapan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Taguig Prosecutor’s Office.

-Bella Gamotea