Malinaw na mayroong “conflict of interest” sa transaksiyon ni dating Department of Tourism (DoT) Secretary Wanda Tulfo-Teo at ng kapatid nitong si Ben Tulfo nang pinasok ng kagawaran ang P60-milyon advertising contract sa programa ng broadcaster sa PTV4.

Ayon kay Senator Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, batid ng taumbayan na magkapatid ang dalawa, at kahit pa anong sabihin nila na hindi sila nag-uusap, malinaw naman na mayroon umanong sariling interes na pinangangalagaan ang bawat isa.

Sa pagdinig kahapon, sinabi ni Gordon na tapos na ang kanyang pagtatanong sa magkapatid na Ben at Erwin, pero padadaluhin pa niya si Teo sa susunod na pagdinig, gayundin ang aktor na si Cesar Montano kaugnay naman sa milyong kontrata nito sa pinatigil na Buhay Carinderia Program ng pinamunuan nitong Tourism Promotions Board.

Nanindigan naman si Tulfo na nila ibabalik ang P60 milyon, at walang ilegal sa nasabing ad deal.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Iginiit naman ni Gordon na bahala na ang magkapatid na sagutin at patunayan sa korte na walang conflict of interest sa nasabing transaksiyon.

Sa pagdinig kahapon, nagturuan ang mga dating opisyal ng DoT at mga kinatawan ng PTV4, at iginiit ni Teo na nag-align sa PTV 4 ang kontrata at hindi niya alam ang tungkol programa ng kanyang kapatid.

-Leonel M. Abasola