Dalawa sa drug watchlist ang naaresto sa buy-bust operation sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang iniimbestigahan sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga suspek na sina Bernardo Donggon y Manalo, alyas Benjo, 36; at Jennifer Cruz y Dionisio, alyas Jenny, 27, kapwa ng No. 51 Mary Luz Street, Barangay 127, Zone 13, Pasay City.

Sa ulat ni Supt. Jenny Tecson, tagapagsalita ng Southern Police District (SPD), nagsagawa ng buy-bust operation ang SDEU personnel sa tirahan ng mga suspek, dakong 9:30 ng gabi.

Binentahan umano nina Donggon at Cruz ng P200 halaga ng shabu ang isang poseur buyer, na sanhi ng kanilang pagkakaaresto.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nasamsam sa mga suspek ang tatlong pakete ng umano’y shabu, na nagkakahalaga ng P1,000; at P200 buy-bust money.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isasampa laban sa mga suspek.

-Bella Gamotea