Mga Laro Bukas (Filoil Flying V Center)

9:00 n.u. -- National U vs La Salle (men’s)

11:00 n.u. -- FEU vs Arellano (men’s)

1:00 n.t. -- St. Benilde vs UP (men’s)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

4:00 n.h. -- UP vs St. Benilde (women’s)

6:00 n.g. -- San Beda vs UST (men’s)

NANATILING imakulada ang Adamson University matapos pabagsakin ang University of the Philippines, 25-22, 19-25, 25-23, 26-24, nitong Linggo sa Premier Volleyball League Collegiate Conference nitong Linggo sa The Arena sa San Juan.

Nagsalansan si Eli Soyud ng 21 puntos, habang kumana si Bernadette Flora ng 16 puntos, 18 digs at 14 excellent receptions para sandigan ang Lady Falcons sa ikaapat na sunod na tagumpay.

Ngunit, sa kabila ng panalo, hindi naitago ni AdU coach Air Padda ang pagkadismaya.

“I’m disappointed with the hitters because we train them to be fearless,” sambit ng outspoken American mentor. “I don’t want to win sets by tipping (the ball), I was disappointed with how they approach the set.”

“I don’t know how we won. UP was consistent, they were hitting harder than us. (Ayel) Estrañero was setting great, (Marian) Buitre and (Isa) Molde they were hitting great. It frustrated me because it didn’t look like we were hitting back.”

Kumana sina Marian Buitre at Isa Molde ng tig-15 puntos para sa UO marathon.

Bagsak ang Lady Maroons, 2-2.

Naungusan naman ng Far Eastern University ang Perpetual Help, 25-15, 15-25, 22-25, 25-14, 15-6, para maasiguro ng playoff para sa semifinal berth.

Sinandigan ni Celine Domingo ang Lady Tams sa naiskor na 19 hits.

Sa men’s play, pinataob ng National University ang Far Eastern University, 25-18, 25-19, 25-22, para sa ikalimang sunod nilang panalo at makatabla sa UST sa liderato. - Marivic Awitan