PINATUNAYAN nina Daniel Quizon at Kylen Joy Mordido, parehong miyembro ng star-studded Dasmarinas, Cavite, Philippines Chess Team ang kanilang husay sa matapos makopo ang coveted gold medals kasama na ang elusive first Grandmaster norm at Woman Grandmaster norm at outright International Master title at Woman International Master title ayon sa pagkakasunod ng dominahin ang Eastern Asia Juniors Open Chess Championships 2018 na ginanap sa Gangneung University sa South Korea mula Agosto 2-8, 2018.

Si Quizon, 13, ay naipanalo niya ang huling tatlong laro para maghari sa boy’s division habang si Mordido, 16 ay nagtala naman ng 6.5 points para mag reyna sa girls category sa Standard play, 90 minutes plus 30 seconds increment time control format.

Ang undefeated Quizon ay nakalikom ng 7.5 points sa nine games of play, iskor na naitala ni Hongjin Anh ng South Korea na kanyang tinalo sa tie break points.Ang kanyang crucial wins kina Fide Master (FM) Azarya Jodi Setyaki ng Indonesia sa seventh round, Fide Master (FM) Erdene Baansansuren ng Mongolia sa eight round at Candidate Master (CM) Taehyung Kang ng South Korea sa ninth at final round.

Si Mordido naman ay undefeated sa seven games of play na may six wins at draw sa third round kontra kay Woman Fide Master (WFM) Nguyen Thi Minh Oanh ng Vietnam.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nagpapasalamat naman si National Coach International Master (IM) elect Roel Abelgas kina Dasmarinas, Cavite mayor Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. at congresswoman Jenny Barzaga sa walang humpay na pagsuporta sa Dasmarinas, Philippine Chess Team.”