Napigilan kahapon ng mga pulis at militar ang pamamahagi ng anim na kilo ng shabu sa iba’t ibang panig ng Western Visayas, kasunod ng pagsalakay sa isang sugar cane plantation sa San Carlos City, Negros Occidental, lampas hatinggabi kahapon.

Ayon kay Police Regional Office (PRO)-6 Director Chief Supt. John Bulalacao, ang nakumpiskang droga ay nagkakahalaga ng P72 milyon, base sa market value estimate ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Nasamsam ang anim na kilo ng shabu bandang 12:30 ng madaling araw kahapon, at itinuturing na pinakamalaking bulto ng droga na nakumpiska sa buong Negros Occidental, at maging sa Western Visayas, sa nakalipas na ilang dekada ng mga anti-illegal drugs operation sa rehiyon.“The suspects were able to flee the area after they monitored the entry of anti-illegal drugs operatives into the sugar cane plantation,” ani Bulalacao.

Aniya, nag-ugat ang operasyon sa report hinggil sa pagdi-distribute ng droga ng sindikato sa rehiyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ng opisyal na nagdesisyong ituloy ang operasyon nang makatransaksiyon ng tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isa sa mga suspek.

Agad ipinadala ang mga pulis at militar malapit sa lugar, at ang plano ay maglalabasan ang awtoridad pagkatapos ng transaksiyon.Gayunman, nagpulasan ang mga suspek nang makahalatang may mali sa transaksiyon at iniwan ang mga ilegal na droga.

Nakumpiska sa nasabing pagsalakay ang anim na pakete ng shabu na ibinalot sa packaging tape.

“We are no conducting follow-up operation to arrest them. We are also conducting investigation to identify the sources of drugs,” sabi ni Bulalacao.

-AARON B. RECUENCO