'Madaling mag-jell, dahil kabisado ko sila' – Guiao

PAMILYAR sa isa’t isa ang aspeto na tinimbang ni National coach Yeng Guiao sa pagpili ng mga players sa Philippine basketball team na isasabak sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

yeng

Inamin ni Guiao na kulang na ang panahon para magbuo ng koponan na pagsasamahin ang iba’t ibang players mula sa PBA kung kaya’t mas pinili niyang kunin ang ‘core’ ng Rain or Shine – ang koponang naihatid niya sa kampeonato – at ilang players na kabisado na niya ang ‘likaw ng bituka’.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakatakdang magbukas ang Asian Games sa Agosto 18.

Ang anim na Painters sa Philippine team ay sina Maverick Ahanmisi, Chris Tiu, Gabe Norwood, James Yap, Beau Belga, at Raymund Almazan. Kinuha niya rin sina Paul Lee ng Magnolia at Don Trollano na kapwa nahawakan din ni Guiao sa panahon niya sa Rain or Shine.

Nasa 14-man line-up din ang mga big men na sina Christian Stanharginger ng San Miguel Beer, Poy Eram ng Blackwater Elite, Stanley Pringle ng GlobalPort at Asi Taulava ng NLEX. Kasama rin ang Gilas Cadet na sina Kobe Paras at Ricci Rivero.

“Time is really short even before when we first planned this. Maikli lang ang oras. With what happened in the last two weeks, lalo pang umiksi para maghanda. That’s one reason why core ng Rain or Shine (ang pinili) because these guys are familiar with me and I’m familiar with them,” pahayag ni Guiao.

“Itong grupo na ito, hindi na kailangang pang pukpukin. Madali na itong mag-jell dahil kabisado na nila ang isa’t isa. So hindi na tayo mahihirapan sa aspect na ‘yan,” aniya.

Kaagad na pinulong ni Guaio ang mga players at nagsagawa ng ‘light workout’ kahapon.

“I feel na kaya naming i-jell ang team this week or so. Ahanmisi, Lee, Tiu, Norwood, Trollano, Almazan, Belga, Taulava, they are familiar with me and I’m familiar with them. But I don’t see any problem working with Pringle, Standhardinger, or Poy Erram. Knowing that there is time constraints involved also factored in the decision of the line-up,” pahayag ni Guiao.

Nitong Linggo, nagbago ng desisyon ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) at muling binuhay ang paglahok sa Asian Games matapos ang naunang pahayag nang pagatras sa quadrennial meet.

Bukod sa negatibong reaksyon mula sa nitizens, nahaharap ang SBP sa sanctioned at multa mula sa International Olympic Committee (IOC) at Olympic Council of Asia (OCA) kung tuluyan umatras ang Philippine basketball team.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) secretary general Patrick Gregorio, kaagad na tinanggap ng Indonesia Asian Games Organizing Committee (INASGOC) ang pagbabalik ng koponan sa basketball event.

Aniya, natanggap ni Haider A. Farman, director of the Asian Games Olympic Council of Asia, ang sulat ng POC hingil sa bagong desisyon hingil sa paglahok ng basketball.

“Thank you. It’s approved, but kindly send the team name list as well as the flight,” pahayag ni Farman, ayon kay Gregorio.

-MARIVIC AWITAN