Kumpara sa naunang oil price rollback noong nakaraang buwan, kakarampot ang ipinatupad na bawas-presyo sa petrolyo, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Agosto 7 ay nagbawas ng 25 sentimos sa kada litro ng kerosene, at 10 sentimos naman sa gasolina at diesel.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kaparehong bawas-presyo ng petrolyo kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Nitong Hulyo 24 ay nagtapyas ng P1.25 sa kerosene, P1 sa diesel, at 70 sentimos sa gasolina.

-Bella Gamotea

Metro

PBBM, personal na sinimulan pamamahagi ng ₱5k cash relief assistance sa tricycle drivers