CHICAGO (AP) – Labing-isang katao ang binaril at napatay habang 70 ang nasugatan sa pagsiklab ng karahasan sa Chicago na kaagad na naging isyung pulitikal nang isinisi ng abogado ni President Donald Trump, si Rudy Giuliani, ang kaguluhan sa matagal nang pamamahala ng mga Democrat sa lungsod.

Iniugnay ng pulisya nitong Lunes ang dose-dosenang pamamaril sa gangs, ilegal na pagpasok ng mga armas at mainit na panahon.

Ang mga biktima ay mula edad 11 hanggang 63 anyos, ayon sa pulisya. Isang dalagita ang namatay matapos barilin sa mukha. Isang binatilyo naman ang binaril habang nagbibisekleta nitong Linggo ng hapon. Ang ibang pamamaril ay naganap sa isang block party at isang libing.

Kahit sa mga Chicagoan na sanay na sa karahasan sa ilang bahagi ng lungsod, kakaiba ang weekend na ito. Kung ikukumpara, pito ang nasawi at 32 ang nasugatan sa mahabang Memorial Day weekend, iniulat ng Chicago Tribune.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“Our souls are burdened,” ani Mayor Rahm Emanuel. “It is unacceptable to happen in any neighborhood of Chicago. We are a better city.”

Karamihan ng mga pamamaril ay nangyari sa mararalitang pamayanan sa West at South Sides kung saan talamak ang gangs, sinabi ni Police Superintendent Eddie Johnson. Wala pang mga inaresto sa alinmang pamamaril nitong weekend