HABANG tinitipa namin ang balitang ito ay nakatanggap kami ng balitang matiwasay nang nakarating sa Los Angeles, California, USA si Kris Aquino kahapon ng tanghali, at nabanggit niya na masarap ang tulog niya sa buong biyahe dahil hindi niya naramdaman ang turbulence.

kris-aquino-3

“We just safely landed. I slept straight but grabe the turbulence raw,” sabi ni Kris.

Naikuwento rin niya na sobrang haba ng pila sa Immigration, at inabot sila ng isang oras. Sinabi namin sa kanya na parang sa Pilipinas din pala, kung hindi man sobrang dami pa ng pasahero.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Nabanggit ding nakasabay ng grupo ni Kris ang mag-asawang Robert Jaworski, Jr. at Evelyn Bautista, na anak naman ni Senator Ramon Revilla, Sr.

Marami pa sana kaming tanong kay Kris pero hindi na nakasagot, marahil ay abala na siya sa pagpunta sa hotel kung saan sila tutuloy.

As of this writing ay wala pang updates si Kris sa kanyang Instagram account, maliban sa huling post niya nitong Miyerkules ng gabi bago sila lumipad patungong Los Angeles.

Kasama ni Kris ang mga anak na sina Josh at Bimby, at ang kanyang KCAP team.

-Reggee Bonoan