TOKYO (AFP) — Isang medical school sa Tokyo ang ilan taon nang binabago ang mga resulta ng admission test ng mga babaeng aplikante para iilan lamang ang makapasok, iniulat ng isang pahayagang Japanese kahapon.

Sinabi ng Yomiuri Shimbun daily na nabunyag ang manipulasyon habang iniimbestigahan ng prosecutors ang hiwalay na eskandalo sa Tokyo Medical University kaugnay sa maanomalyang pagtanggap sa anak ng isang education ministry bureaucrat.

“Following the report this morning, we asked a law firm to launch an internal investigation into the reported issue,” sinabi ni Fumio Azuma, spokesman ng unibersidad.

Iniulat ng Yomiuri, binanggit ang unnamed sources, na sinimulan ng unibersidad na ibaba ang admission test scores ng mga babaeng aplikante sa medical school nito noong 2011, matapos lumabas sa 2010 results na dumarami ang mga babaeng pumapasa. Kasunod nito, pinanatili ng unibersidad sa 30 porsiyento ng incoming class ang mga babaeng tinatanggap.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

“Women often quit after graduating and becoming a doctor, when they get married and have a child,” sinabi ng source sa Yomiuri, para bigyang katuwiran ang blanket alterations ng admission scores.