SIMULA ngayong August, magiging busy ang mga susunod na buwan para kay Dennis Trillo sa rami ng gagawin niyang projects sa telebisyon at pelikula.

Kim at Dennis copy

August ang target taping nina Dennis at Dingdong Dantes ng bonggang teleserye nila sa GMA-7, ang Cain at Abel. In fact, sinusulat na ang script at binubuo na ang cast, at pinipili na ang direktor na hahawak sa project.

May natapos na ring pelikula si Dennis, ang Mina-Anud, na tungkol sa droga. Tinatapos din ng aktor ang On The Job 2, sa direksiyon ni Erik Matti, na kaya raw hindi magtuluy-tuloy ang shooting ay dahil sa rami ng cast.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Sisimulan din ni Dennis ang shooting ng Regal Entertainment movie nila ni Kim Chiu, ang One Great Love, na ididirehe naman ni Eric Quizon. Ang bilis ng Regal dahil pagkatapos ng storycon, nag-look test, at may initial photo shoot sila.

Ipinakilala ni Dennis ang pangalan ng mga karakter nila ni Kim. Siya si Ian at si Kim si Zyra, at dahil nakasuot ng doctor coat si Dennis sa isang photo, lumalabas na doktor ang role niya sa pelikula

-NITZ MIRALLESK